« Home | Really You and Me » | Bakit Gusto Kong Maging Dukha » | Speechless » | Confessions » 

Wednesday, September 14, 2005 

Courtship: Only for the Bone-headed Persistent

In courtship, sometimes bone-headed persistence is the key. That?s what we always remind our friend here at work as he is currently pursuing his love of his life. Maybe he?s headed for eternal bliss, maybe he?s headed for a crash landing ? it really doesn?t matter right now. Who knows, maybe in time, the girl will suddenly realize ?mahal ko na pala sya??.

I wrote the poem below back in high school when I was head over heels with a girl named Janelle. I was headed for a crash landing ha-ha. But hey, that?s life and I?m never going to change the way I love.

--

HANGGANG MAGUNAW ANG MUNDO


Hamak lang na nagmamahal sa iyo
Buong buhay ko ay inaalay ko
Habang buhay mo man akong ipagtabuyan
Umasa kang ako pa rin ay nandiyan


Maski na layuan at ako?y ikahiya
Ang buong puso ko?y aking itataya
Sakalin mo man ako at lunurin sa batya
Itali mo man ako at ibigting patihaya


Saktan mo man ako at paiyakin ng isang baldeng luha
Isang ngiti mo lamang at ako?y matutuwa
Pag antayin mo man ako araw araw sa iyong pag uwi
Maski na abutin hanggang hating gabi
Ang mga mata ko ma?y tuluyang mamuti
Aking titiyaking ligtas kang palagi


Palagi mo man akong iwan at mawala kang parang bula
Hindi mo man pansinin at iwanang tulala
Ipagpalit mo man ako kung sino man siya
Ako?y naririto't mamahalin pa rin kita


Hindi mo man bigyang pansin ang aking mga ginagawa
Na para sa iyo?y mabigyan ka ng tuwa
Tanggihan mo man ang aking mga pinaghirapan
Ibilad mo man ako sa araw; Isabit mo pa'ko sa buwan
Patalunin man sa tulay hanggang sa matuluyan
Hangad ko lamang ay ang iyong kagalakan


Lasunin mo man ako upang matigilan ang pangungulit
Ipaambush mo man ako upang di na umulit
Ibaon mo man ako ng buhay upang hindi na makita
Habang buhay pa rin akong hindi mawawalan ng pag asa


Bumalik man ang bagyong si rosing at ako?y tangayin
Lunurin mo man sa lahar at ang bigas ay ubusin
Ikumpara mo man ako kay Tyson at tawaging maitim
Hanggang maging effective ang odd - even scheme


Kamay ko ma'y ipaputol mo
Ako pari?y magpipinta para lamang sa iyo
Ang lahat ng ito ay gagawin ko sa isang saglit
kailanma?y hindi ako hihingi ng kapalit
Pagkat sa buong buhay ko aking ikasisiya
Ang sa iyo?y maibigay lahat ng aking makakaya


Presyo ng bilihin ma'y magsipagtaas
Bibilhan pa rin kita ng kotse kahit wala tayong pang-gas
Maglalakad akong pauwi, makatipid lang ng barya
Kahit 'di na'ko kumain, mapasalubungan lamang kita


Maaring mayaman nga yung manliligaw mong kano
Mapapantayan ba nya, saklob ng paghanga ko
Pagka't ikaw lamang ang syang tinitingala
Pangalan mo'y nakasulat sa langit, katabi ng mga tala


Kahit sabihing may makikita ka pang iba
Wala namang mas gagaling pang umawit at tumula
Kahit ang mga kanta man ay 'di tayo mapakain
Gabi-gabi, araw-araw ka namang kikiligin


Pakinggan mo lang sana ang aking damdamin
Ikaw ang mamahalin sa panghabangbuhay
Malaman ko lang sana na ikaw ay may kaunting pagtingin
Iyong oras ding iyo?y puwede na akong mamatay


Tayo may magkalayo, maghihintay pa rin ako...
Hanggang magunaw ang mundo... mananatiling tapat sa'yo


--
lei, circa 1996


--


Regret from not being able to show the one you love the way you feel is more painful than flat out rejection. So we told our guy friend to just go for it with all he can give to win the girl?s heart. What she feels in return doesn?t really matter right now. What?s important is for him to get his feelings out. Sometimes a girl just doesn?t want to be confused with her feelings she doesn?t even want to open up for suitors he-he.

-




 

Recent Comments

Powered by Blogger
and Blogger Templates