Going Jologs
Feeling a little jologs today. I try to get inspiration from everything. Or anyone. Sometimes when a friend talks to me about his or her love problems (why does it always have to be about love???) and I get to relate to it, I get inspired to write about it as if it was my problem. Sometimes I feel like writing when I see a really touching or poignant movie. Sometimes it's just about any stupid thing.
Across our office building, is a "hottie" (just lacking a better term) that the guys here go gaga over. She probably owns the company fronting my window. She drives a Mazda3 wagon and a BMW.
--
Malas Lang
Halos mamatay ako sa tuwa noon
Nung sinabi mong ako'y mahal mo
Puso ko nga, gusto nang huminto
Sumikat ang araw, kahit na bumabagyo
Pero, hello, reality-check muna
dahil bagay nga ba'ko sa isang tulad mo?
Ang cute mo pa nga noon
Pang close-up model ang ngiti
Samantalang ngipin ko naman
'Di mawari ang pagkakasungki
Lahat nga ng ex mo diba
ang gagara ng kotse
Samantalang ako naman
Lugi parin sa pamasahe
Sa Starbucks ka pa nga madalas
para lang magpabarya
Eto ngang kape ko sa umaga
minsan lasa pang paminta
Lingo-lingo, buwan-buwan
may bago ka pa ngang damit
Samantalang mga t-shirt ko sa cabinet
nanilaw na sa anghit
Sana lang makapag-update
na'ko ng fashion wear
Kasi pagnagla-lunch out tayo
mukha akong drayber
Nag-adapt na nga kapayatan ko
Dahil laging siksikan sa MRT
Dala mo naman araw-araw sa opisina
yung bagong Mazda 3
Humanga ka pa nga dahil minsa'y
napaltan ko ang flat na gulong mo
'Di ko lang masabi, kasi
dati akong nagku-krudo
Kakahiya ngang baon ko palagi Maling lang
'Pag swerte, may kasama pang tikoy
Tapos hinahatian mo pa'ko ng dala mong
galing pang Teriyaki Boy
'Di ko naman hiniling na may maramdaman ka
'Di ko rin hiningi na ika'y sumumpa
Pero kinailangan kong lumayo at ayokong mahatak ka
Dahil noong panahong iyo'y marami pa'kong problema
Makakaahon din naman ako
dahil mabait pa rin ang tadhana
Kaso nga lang huli na din siguro
Kasi ngayon, may kasama ka nang iba.
--
lei
--




