Malas Lang Din
Still having a hang-over from Footloose and I'm frustrated because I can't seem to find my Chorus Girl CDs... I'm trying to score tickets for Nina: Live at the Araneta Colliseum but too bad, the cheapest tickets are sold-out. I don't usually buy the cheapest passes but hey, I'm out of budget here!
--
I thought it was just fair to write a girl's-point-of-view on the poem "Malas Lang". So I guess for those reading, it would be nice to read "Malas Lang" first. Pagpasensyahan nyo na lang, I'm still feeling a bit jologs today.
--
Malas Lang Din
Alam ko namang may nararamdaman ka
Ayaw mo lang magsalita
Kaya nga ako na ang naunang lumapit
at umaming mahal na kita
Sabi mo pa nga 'di tayo bagay
Sabi ko naman "I really don't freakin' care!"
Kaso ba't nga ganun ang mundo?
madalas malas, madalas unfair
Sabi mo, ako'y langit
ikaw nama'y taga-lupa
Pero nung nagkalayo tayo
lahat ng meron ako'y nabalewala
'Di mo naman ako kailangang
ilagay sa mga bituin
Pero sa bawat paglapit ko
bakit kay hirap mong abutin?
Fi-nlat ko pa nga yung kotse ko
Masabayan ka lang sa MRT
Pinaltan mo naman yung gulong ko
At kahit naliligo ka na sa pawis,
tuloy pa rin ang 'yong ngiti
Naaliw nga 'ko sa baon mong Maling
Paborito ko yun kasi, mula bata pa
Yung dala kasi ng mga manliligaw ko
Mamahalin man, 'di ko gets yung lasa
Sinusundo nga'ko lagi ng mga pumipila
'Di naman ako maka-relate sa mga trip nila
Pero sa totoo lang pag tayo ang magkasama
lagi mo akong napapatawa
'Di ko nga alam ba't bigla kang lumayo
Nagpalipat ka pa nga ng opisina
Dahil ba sa napagkamalang drayber kita?
O dahil sa nalaman mong ako'y mahal ka?
Boyfriend ko nga ngayon, pilit lang ng magulang
Pero alam kong ito'y panandalian lang.
Dahil hanggat "single" ang status ng Friendster mo,
at hindi ka pa nag-aasawa
Pagmamahal ko sa'yo'y ipaglalaban ko
at hahanapin pa'rin kita.
--
lei
-




